Terms & Conditions
Huling na-update:
Welcome sa Hay Nako Cart (HNC), ang playful na sari-sari store ng LogicByHeart para sa mga rant at wish. Sa paggamit ng site, sang-ayon ka sa mga simpleng patakaran na ito.
1. Lahat ay kunwari lang
Ang HNC ay para sa entertainment. Ang mga “produkto” ay nakakatawang rant at wish. Walang perang sinisingil (ang HNC na pera ng shop ay walang totoong halaga), ang checkout ay hindi totoong pagbili, at walang physical o digital na produkto na ipinapadala. Ang receipt ay souvenir lang, hindi patunay ng bayad.
2. Walang taong ibinebenta
May mga biro tungkol sa jowa, pamilya at katrabaho (hal. “Ultimate Jowa”). Feelings at sitwasyon ang inilalarawan nila, hindi totoong tao.
3. Mga larawan at kuwento
Ang mga larawan, pangalan at description ay malikhaing gawa para sa saya, hindi totoong item o factual na claim. Ang mga ito, pati ang mga character at disenyo ng HNC, ay huwag angkinin o gamitin sa negosyo nang walang pahintulot.
4. Bayong, Likes at Top Buys
Naka-save sa browser mo ang Bayong, Wishlist at orders. Ang Likes at Top Buys ay anonymous na bilang mula sa mga imaginary checkout at pindot, hindi totoong benta. Sa ngayon, walang comments, reviews o uploads sa HNC.
5. Maging mabait sa tindahan
Gamitin ang HNC nang maayos at naaayon sa batas. Huwag guluhin ang site o lusutan ang mga proteksyon nito, kasama ang pagpapadala ng pekeng checkout o Likes nang maramihan.
6. Puwedeng magbago ang tindahan
Puwedeng magbago, ma-pause o mawala ang mga produkto, seasonal collection at feature. Ang “limited edition” ay tungkol sa tema o panahon, hindi sa stock. Sinisikap naming laging bukas ang tindahan, pero hindi namin ito maipapangako.
7. Hindi ito professional advice
Ang HNC ay hindi medical, mental-health, legal o financial na serbisyo, at hindi kapalit ng therapy o suporta. Kung kailangan mo ng tulong, lumapit sa isang propesyonal o sa taong pinagkakatiwalaan mo.
8. Privacy at mga update
Basahin ang Privacy Policy para sa paghawak ng impormasyon. Kapag binago namin ang terms na ito, ia-update namin ang petsa sa itaas.
Salamat sa pagbisita, Suki! Rant man o wish ang dala mo, sana gumaan ang Bayong mo. 🐱🐶
Bumalik sa HNC